Sa pamamagitan ng Long March-5B Y3 Rocket, matagumpay na inilunsad ngayong araw, Hulyo 24, 2022, mula sa Wenchang Spacecraft Launch Site sa katimugan ng Tsina, ang Wentian Lab Module.
Ito ang ikalawang bahagi ng istasyong pangkalawakan ng Tsina na bubuuin ng tatlong module.
Sa kasalukuyan, pumasok na sa nakatakdang orbita ang naturang spacecraft.
Ayon sa plano, pagkaraan ng 12 oras matapos ang paglulunsad, dadaong ito sa Tianhe Core Module.
Ipagkakaloob ng Wentian Lab Module ang mas malaking plataporma para sa mga eksperimentong pansiyensiya sa kalawakan.
Mayroon itong isang maliit na robotic na kamay at mga pasilidad pang-araw-araw para sa mga astronaut, na karagdagan sa mga kagamitan at pasilidad sa Tianhe Core Module.
Samantala, nakatakdang ilunsad sa darating na Oktubre ang Mengtian Lab Module, na siya namang panghuling bahagi ng istasyong pangkalawakan ng Tsina.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan