Wentian Lab Module ng Tsina, matagumpay na dumaong sa Tianhe Core Module

2022-07-25 15:07:42  CMG
Share with:

Inihayag ng China Manned Space Engineering Office (CMSEO), na matagumpay na dumaong alas-3:13 ng umaga, Hulyo 25, 2022 sa Tianhe Core Module ang Wentian Lab Module ng Tsina.

 


Anito, halos 13 oras ang itinagal buong proseso ng pagdaong.

 


Samantala, alas-10:03 kaninang umaga, maalwang pumasok sa Wentian Lab Module ang mga tripulante ng Shenzhou-14 Spacecraft.

 

Ito ang kauna-unahang pagpasok ng mga taikounaut sa lab module sa orbita.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio