Sa pamamagitan ng video link, dumalo si Wei Fenghe, Kasangguni ng Estado at Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina, sa Pulong ng mga Ministro ng Ikalawang China-Africa Peace and Security Forum, na idinaos nitong Hulyo 25, 2022.
Sa pulong, binasa ni Wei Fenghe ang mensaheng pambati para sa porum mula kay Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Sa kanyang talumpati, ipinahayag din ni Wei na dapat patuloy na manangan ang Tsina at Aprika ng diwang pangkaibigan at pangkooperasyon, isakatuparan ang Global Security Initiative, pahigpitin ang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba’t ibang larangan, para magkakasamang palakasin ang komong seguridad.
Samantala, ipinahayag ng mga kinatawan ng mga kalahok na bansang Aprikano na ang mensaheng pambati ni Pangulong Xi ay lubos na nagpakita ng pagpapahalaga ng Tsina sa relasyong Sino-Aprikano.
Pinasalamatan ng kinatawan ng Aprika ang suporta at tulong ng Tsina para sa kapayapaan at seguridad ng Aprika, at umaasa itong lalo pang pasusulungin ang kooperasyon ng dalawang panig para itatatag ang pinagbabahaginang kinabukasan ng kapalaran ng Tsina at Aprika.
Ang tema ng porum na ito ay “pagpapalakas ng pagkakaisa at koordinasyon, pagsasakatuparan ng komong seguridad.”
Lumahok sa pulong ang 50 opisyal sa ministeryal na antas at mataas na kinatawan galing sa Unyong Aprikano at bansa sa Aprika.
Salin:Sarah
Pulido:Mac