Peng Liyuan at Iriana Joko Widodo, nagtagpo

2022-07-27 10:22:21  CMG
Share with:

 

Nagtagpo kahapon, Hulyo 26, 2022 sa Beijing sina Unang Ginang Peng Liyuan ng Tsina, at Iriana Joko Widodo, asawa ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesiya.

 

Sinabi ni Peng na ang Indonesiya ay ikalawang pinakamalaking destinasyon ng mga turistang Tsino sa ibayong dagat. Umaasa siyang ibayo pang mapapalalim ang pagpapalitan ng dalawang bansa sa mga larangang tulad ng kultura at turismo.

 

Sinabi naman ni Iriana na ikinagagalak niya ang pakikipagkita sa mga matalik na kaibigan sa Beijing. Ipinahayag niya ang mainit na pagtanggap sa paglalakbay ng mga turistang Tsino sa kanyang bansa.

 

Umaasa aniya siyang mananatiling mapagkaibigan ang relasyon ng dalawang bansa sa mahabang panahon.

 

Magkasamang pinanood nina Peng at Widodo ang mga pagtatanghal ng kantang-bayan ng dalawang bansa.


Salin: Ernest

Pulido: Mac