CMG Komentaryo: Relasyon at kooperasyon ng Tsina at Indonesia, mabunga

2022-07-25 15:00:23  CMG
Share with:

Sa paanyaya ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, dumadalaw sa Tsina si Pangulong Joko Widodo ng Indonesia mula Hulyo 25 hanggang 26, 2022.

 

Si Pangulong Widodo ay ang unang dayuhang lider na dumalaw sa Tsina pagkatapos ng 2022 Beijing Winter Olympic Games.

 

Pinaniniwalaang ang pagdalaw na ito ay lubos na magpapasigla sa konstruksyon ng “Community of Shared Future” ng dalawang bansa.

 

Mahaba ang kasaysayan ng mapagkaibigang pagpapalagayan ng Tsina at Indonesia.

 

Nitong ilang taong nakalipas, malaki ang ini-u-unlad ng komprehensibong estratehikong partnerhip ng dalawang bansa.


 

Sa kanyang talumpati noong Oktumbre 3, 2013, sa Kongreso ng Indonesia, kauna-unahang iniharap ni Pangulong Xi ang mungkahi ng magkasamang konstruksyon ng “21st-Century Maritime Silk Road.”



 

Ang taong 2015 ay ang ika-60 anibersaryo ng pagdaraos ng Bandung Conference, at sa aktibidad bilang pagdiriwang sa pulong na ito noong Abril 22, 2015 sa Jakarta ng Indonesia, idiniin ni Pangulong Xi na nananatiling malakas ang bitalidad ng prinsipyong naitakda sa pulong.



 

Noong Enero ng 2016, sinimulan ang konstruksyon ng Jakarta-Bandung High-Speed Railway.

 

Kaugnay nito, ipinahayag ni Pangulong Xi na ang proyekto ay naging bagong rekord sa kasaysayan ng aktuwal na kooperasyon ng Tsina at Indonesia.

 

Sinabi rin niyang ito ay magiging bagong modelo ng kooperasyon ng dalawang bansa sa iba’t ibang larangan, lalo na sa larangan ng imprastruktura.



 

Noong 2011, kauna-unahang iniharap ng Indonesia ang mungkahi ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).

 

Noong Nobyembre 15, 2020, opisyal na lumagda rito ang mayorya ng mga bansang ASEAN, Tsina, Hapon, Timog Korea, Australia at New Zealand at pormal na nagkabisa noong unang araw ng taong 2022.

 

Ang nabanggit na mga kooperasyon at proyekto ay hindi lamang mahalagang milestone sa relasyon ng Tsina at Indonesia, kundi mahalagang pundasyon din para sa magandang kinabukasan ng relasyon ng dalawang bansa.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio