Economics professor ng Amerika: Mabilis na tumutungo sa resesyon ang kabuhayang Amerikano

2022-07-26 14:22:19  CMG
Share with:

Sa isang panayam nitong Lunes, Hulyo 25, 2022, inihayag ni Jack Rasmus, Propesor ng Economics ng Saint Mary's College ng Amerika, na batay sa isang serye ng datos na inilabas kamakailan, mabilis na tumutungo sa resesyon ang kabuhayan ng Amerika.

 


Ipinalalagay niyang hanggang Setyembre ng taong ito, malinaw na magpapatuloy ang resesyon sa Amerika.

 


Aniya, noong isang linggo, inilabas ng bansa ang isang serye ng mga indeks na nagpapa-alala sa mga mamamayan na sa kasalukuyan, mabilis na bumabagal ang pamumuhunan, kahit may pagtaas ang konsumo, pero dahil sa implasyon, ang ganitong pagtaas ay hindi tunay na pagtaas.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac