Kaugnay ng taunang ulat hinggil sa pagpupuslit ng tao (human trafficking) na inilabas ng Kagawaran ng Estado ng Amerika para punahin ang di-umano’y sapilitang pagpapatrabaho sa Xinjiang, ipinahayag nitong Miyerkules, Hulyo 20, 2022 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas (MFA) ng Tsina, na peke ang mga impormasyon sa nasabing ulat at sa katotohanan, ang Amerika ang nangungunang bansa sa isyung ito.
Tinukoy ni Wang na ayon sa pagtasa ng Kagawaran ng Estado ng Amerika, mahigit 100 libo katao ang pinupuslit at ibinibenta sa Amerika mula sa ibang bansa kada taon para sapilitang pagtrabahuhin.
Hinimok ni Wang ang Amerika na isagawa ang mga aktuwal na aksyon para iwasto ang sariling mga problema sa karapatang-pantao.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio
Opisyal na pagpapalitan ng Amerika at Taiwan sa anumang paraan, matinding tinututulan ng Tsina
Iran: Sangsyon ng Amerika, hindi nakakatulong sa pagkakaroon ng komong palagay
Tensyon at krisis sa Gitnang Silangan, sinusulsulan ng Amerika – Iran
Tsina sa Amerika: Ibasura ang plano sa pagbebenta ng sandata sa Taiwan