Xi Jinping, nanawagan para sa de-kalidad na kooperasyon ng Tsina at Poland sa ilalim ng BRI

2022-07-30 18:05:57  CMG
Share with:

Sa pakikipag-usap sa telepono kahapon, Hulyo 29, 2022, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Andrzej Duda ng Poland, sinabi ng pangulong Tsino, na kailangang isagawa ng dalawang bansa ang de-kalidad na kooperasyon sa ilalim ng Belt and Road Initiative, at palalimin ang kooperasyon sa kabuhayan, kalakalan, at interkonektibidad.

 

Kailangang dagdagan ng dalawang bansa ng bagong nilalaman ang kanilang kooperasyon, halimbawa sa mga larangan ng berdeng pag-unlad, didyital na komersyo, at iba pa, dagdag ni Xi.

 

Umaasa rin siyang patitingkarin ng Poland ang aktibong papel, upang pasulungin ang pagbuo ng Tsina at mga bansa sa gitna at silangang Europa sa lalong madaling panahon ng pakyawang merkado para sa mga produktong agrikultural.

 

Ipinahayag naman ni Duda ang kahandaan ng Poland, kasama ng Tsina, na matamo ang mas maraming bunga sa bilateral na kooperasyon sa mga aspekto ng kabuhayan, kalakalan, lohistika, interkonektibidad, at iba pa.

 

Pasusulungin din aniya ng Poland ang kooperasyon ng mga bansa sa gitna at silangang Europa at Tsina, at relasyong Europeo-Sino.


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos