Xi Jinping, nakikiramay kay PBBM kaugnay ng lindol sa Luzon

2022-07-30 20:02:48  CMG
Share with:

Ipinadala ngayong araw, Hulyo 30, 2022, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe ng pakikiramay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Pilipinas, kaugnay ng mga nasawi at kapinsalaan sa ari-arian dulot ng magnitude-7.0 na lindol na naganap kamakailan sa Luzon.

 

Sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino at niya mismo, ipinahayag ni Xi ang pakikidalamhati sa mga nabiktima ng lindol at pakikiramay sa kani-kanilang pamilya, pati rin sa mga nasugatan.

 

Nananalig aniya siyang, sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Marcos Jr. at pamahalaang Pilipino, pagtatagumpayan ng mga apektadong mamamayan ang kahirapang dulot ng kalamidad, at muling itatayo ang mga tahanan.


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos