Inihayag Linggo, Hulyo 31, 2022 ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, na umabot sa 49 ang purchasing managers' index (PMI) ng industriya ng pagyari ng Tsina noong nagdaang Hulyo, at bumaba ito kumpara sa 50.2 noong Hunyo.
Pagkaraan ng mabilis na paglago noong Hunyo, bumaba ang suplay at pangangailangan ng industriya ng pagyari noong Hulyo, paliwanag ng kawanihan.
Samantala, magkahiwalay ring bumaba ng 3.0% at 1.9% ang mga sub-indeks ng produksyon at bagong kontrata, na parehong pumasok sa sona ng pagliit.
Ayon kay Zhao Qinghe, Nakakataas na Estatistisyan ng nasabing kawanihan, ang pagbaba ng industriya ng pagyari ay sanhi ng off-season ng tradisyonal na produksyon, di-sapat na pagpapasigla ng pangangailangan sa pamilihan, at pagtumal ng industriyang may mataas na konsumo ng enerhiya.
Sa kabilang dako, 53.8 naman ang PMI ng sektor ng non-manufacturing noong Hulyo.
Ito ay mas mababa kaysa sa datos noong Hunyo na 54.7.
Salin: Vera
Pulido: Rhio