51.3, PMI sa mga sektor ng manupaktura ng Tsina ngayong Enero

2021-01-31 17:57:33  CMG
Share with:

Ayon sa estadistikang inilabas ngayong araw, Linggo, Enero 31, 2021, ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, nasa 51.3 ang Purchasing Managers' Index (PMI) ng bansa sa mga sektor ng manupaktura sa buwan ng Enero.

 

Sa kabila ng 0.6 na pagbaba kumpara sa datos noong nagdaang Disyembre, ang bilang na ito ay nananatili pa rin sa positibong bahagdan na 50 pataas, na makikita nitong nakalipas na 11 buwang singkad.

 

Bagamat mayroong kaunting pagbagal ang ekspansyon ng larangang ito, ipinakikita ng nasabing datos na tuluy-tuloy pa rin ang pagbangon ng sektor ng manupaktura ng Tsina. 

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method