Ayon sa datos na inilabas Martes, Agosto 2, 2022 ng China Federation of Logistics & Purchasing (CFLP), sanhi ng mainit na panahon, tag-ulan at pagkalat ng pandemiya sa ilang lugar, naging 48.6% ang logistics performance index (LPI) ng Tsina nitong Hulyo, at ito ay bumaba ng 3.5% kumpara noong nagdaang Hunyo.
Samantala, napanumbalik sa kabuuan ang suplay ng lohistika noong Hulyo, pero nanatili ang presyur at plaktuwasyon sa pagpapanumbalik ng pangangailangan.
Inihayag ni Liu Yuhang, Direktor ng China Logistics Information Center, na nananatiling medyo matatag ang kasiglahan ng mga bagong pagbili at bolyum ng negosyo ng malalaking kompanya.
Ipinalalagay naman ni Shi Xianliang, Puno ng School of Economics and Management ng Beijing Jiaotong University, na hindi nagbabago ang tunguhin ng matatag na takbo ng lohistika sa kabuuan.
Aniya, sa huling hati ng taong ito, kasabay ng pagpapatupad ng iba’t ibang patakaran, mananatili ang pagtaas at matatag na lumalago ang takbo ng lohistika.
Salin: Vera
Pulido: Mac