2022 WAIC, gaganapin sa Shanghai

2022-08-03 15:41:51  CMG
Share with:

Sa ilalim ng temang “Intelligent Connectivity, Infinite Multiverse,” idaraos mula Setyembre 1 hanggang 3 sa lunsod Shanghai ang 2022 World Artificial Intelligence Conference (WAIC).

 

Sa pamamagitan ng 150 sasaling kompanya, ipapakita sa 2022 WAIC ang mga bagong ideya, pag-unlad at bunga ng ekonomiyang didyital.

 

Ang nasabing komperensya ay magkakasamang itataguyod ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma ng Tsina, Ministri ng Industriya at Teknolohiya ng Impormasyon, at pamahalaan ng Shanghai.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio