Ipinahayag ngayong araw, Agosto 3, 2022, ni Ma Xiaoguang, Tagapagsalita ng Tanggapan ng Konseho ng Estado ng Tsina sa mga suliranin ng Taiwan, na ang pagpapasilita ni Tsai Ing-wen at awtoridad ng Democratic Progressive Party (DPP) sa pagdalaw ni Nancy Pelosi, Ispiker ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Amerika sa Taiwan ay grabeng sumira ng mapayapang pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits, malubhang nagsapanganib sa kapayapaan at katatagan ng Taiwan Straits, bumalewala sa komong interes ng mga kababayan ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits, at nagpahina sa pundamental na kapakanan ng Nasyong Tsino.
Sa solemnang representasyon na ipinadala ni Ma kay Tsai Ing-wen, sinabi niyang ang kanilang aksyon ay tiyak na magdudulot ng kapahamakan sa Taiwan.
Ipinagdiinan din niyang mabibigo ang anumang tangka sa “pagsasarili ng Taiwan.”
Hindi maaaring maliitin ng sinuman at anumang puwersa ang matatag na kapasiyahan, mithiin at kakayahan ng mga mamamayang Tsino sa pangangalaga sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa, aniya pa.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio