Pagbisita ni Pelosi sa Taiwan, mariing kinondena ng Ministring Panlabas ng Tsina

2022-08-03 02:19:44  CMG
Share with:

Mariing pagkondena ang ipinahayag Agosto 2, 2022 ng Ministring Panlabas ng Tsina kaugnay ng pagbisita sa Taiwan ni Nancy Pelosi, Tagapagsalita ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Amerika, sa kabila ng matinding pagtutol at solemnang representasyon ng panig Tsino.

 

Sinabi ng naturang ministri, na ang naturang pagdalaw ay nagbigay ng maling senyal sa mga puwersang naninindigan sa “pagsasarili ng Taiwan.”

 

Iniharap na ng Tsina ang solemnang representasyon at protesta sa panig Amerikano, dagdag nito.


Editor: Liu Kai