Pagsasanay-militar malapit sa Isla ng Taiwan, sinimulan ng PLA Eastern Theater Command

2022-08-03 02:31:53  CMG
Share with:

Ayon sa tagapagsalita ng People's Liberation Army Eastern Theater Command, simula gabi ng Agosto 2, isinasagawa ng Eastern Theater Command ang pagsasanay-militar ng mga hukbong pandagat at panghimpapawid, live-fire drill, at subok-lunsad ng mga missile sa paligid ng Isla ng Taiwan.

 

Ito aniya ay bilang tugon sa maling aksyon ng Amerika sa usapin ng Taiwan, at babala sa mga puwersang naninindigan sa “pagsasarili ng Taiwan.”


Editor: Liu Kai