Reusable experimental spacecraft, inilunsad ng Tsina

2022-08-05 15:34:15  CMG
Share with:

Jiuquan Satellite Launch Center—Sakay ng Long March-2F carrier rocket, matagumpay na inilunsad ngayong araw, Agosto 5, 2022 ng Tsina ang isang reusable experimental spacecraft.

 

Matapos isagawa ang operasyon sa orbita, babalik ito sa nakatakdang lugar ng paglapag sa loob ng bansa.

 

Susuriin ng nasabing spacecraft ang reusable technologies at in-orbit service technologies ayon sa plano, at ipagkakaloob ang suportang teknolohikal para sa mapayapang paggamit ng kalawakan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac