Platapormang pangkooperasyon na ASEAN ang sentro, mahalaga sa Asya-Paspiko - Wang Yi

2022-08-07 17:08:39  CMG
Share with:

Sa Ika-29 na Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Regional Forum na idinaos Agosto 5, 2022 sa Phnom Penh, Kambodya, sinabi ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na mahalaga para sa kapayapaan, katatagan at kaunlaran ng Asya-Pasipiko ang isang platapormang pangkooperasyon na ASEAN ang sentro.

 

Binigyang-diin din ni Wang, na sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan, hindi nagbabago ang hangarin ng mga bansa sa rehiyong ito para sa kapayapaan, katatagan, at komong katiwasayan.

 

Nananatili ang kahilingan ng mga bansa sa pagpapabilis ng pagbangon ng kabuhayan at pagsasakatuparan ng sustenableng pag-unlad, aniya pa.

 

Dagdag ni Wang, taglay rin ng mga bansang ASEAN ang diwa ng pagkakaisa at pagtutulungan, bilang tugon sa kasalukuyang mga kahirapan.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan