Inilabas Biyernes, Agosto 5, 2022 ng Ika-55 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang magkakasanib na komunike, kung saan binigyang diin ang pangako sa pagharap sa komong hamon, pagpapanatili ng pagkakaisa ng ASEAN at pagiging sentro sa pag-unlad ng rehiyon, at pagpapalakas ng kooperasyon sa mga partner sa labas ng rehiyon, para mapasulong ang kapayapaan, seguridad at katatagan.
Inulit din ng komunike ang paggalang sa soberanya, pagsasariling pulitikal at kabuuan ng teritoryo.
Nanawagan ito sa kaukulang panig na tapusin ang pag-uusap ng Code of Conduct in the South China Sea sa lalong madaling panahon.
Salin: Vera
Pulido: Mac