Kaugnay ng pahayag ng Britanya kamakailan tungkol sa Taiwan at di-umanong bantang dulot ng mga hakbang ng Tsina sa kapayapaan at katatagan sa rehiyong ito, ipinahayag nitong Agosto 11, 2022, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na lehitimo, makatarungan at kailangan ang aksyon ng Tsina para pangalagaan ang soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa, at mali ang paglalarawan ng Britanya hinggil dito.
Buong tatag na tinututulan ito ng Tsina at inilahad na ng Tsina ang solemnang representasyon sa Britanya hinggil dito, saad ni Wang.
Sinabi pa ni Wang na ang Amerika ay panig na unang nagsagawa ng probokasyon at sinimulan ang krisis na ito. Ang awtoridad ng Taiwan ay laging naghahanap ng suporta sa Amerika para isulong ang “pagsasarili ng Taiwan.”
Binigyan-diin ni Wang na sinusundan ng Britanya ang gawi ng Amerika, at nawalan ng kredibilidad ang reputasyon ng Britanya bilang isang nagsasariling bansa.
Salin:Sarah
Pulido:Mac