Mahigit 70 iskolar, nanawagan sa Amerika na agarang ibalik ang assets ng Afghanistan

2022-08-12 16:38:45  CMG
Share with:

Sa isang liham na ipinadala nitong Agosto 10, 2022, kay Pangulong Joe Biden ng Amerika at Janet L. Yellen, Secretary of the Treasury ng Amerika, nanawagan ang mahigit 70 ekonomista at iskolar sa pamahalaang Amerikano na dapat agarang ibalik ang mga US$ 7 bilyon na foreign exchange assets ng Sentral na Bangko ng Afghanistan na ini-freeze ng Amerika.

 

Bukod dito, sa liham, ipinahayag din ng mga iskolar ang pag-aalala sa ekonomiko at makataong krisis na nagaganap sa Afghanistan, partikular na, sa papel ng pagpapasulong na ginagampanan ng Amerika sa isyung ito.

 

Hinimok nila ang Amerika na dapat agarang isagawa ang aksyon hinggil dito.


 

Salin:Sarah

Pulido:Mac