Binuksan ngayong araw, Agosto 13, 2022, ang Ika-12 Beijing International Film Festival (BJIFF).
Bilang mga pinuno ng lupong tagapag-organisa ng kasalukuyang pestibal, lumahok at nagtalumpati sa seremonya ng pagbubukas sina Shen Haixiong, Presidente ng China Media Group, at Mo Gaoyi, Puno ng Communication Department ng Beijing Municipal Committee ng Partido Komunista ng Tsina.
Ang tema ng pestibal sa taong ito ay “Magkakaisa Tayong Sumusulong,” bilang pananawagan sa lahat ng mga tauhan ng industriya ng pelikula na magkakasamang pasulungin ang industriyang ito.
Samantala, 1450 pelikula na kinabibilangan ng 1193 mula sa 88 bansa at rehiyon sa labas ng Tsina ang mga kalahok sa Tiantan Award, opisyal na seksyon ng paligsahan ng BJIFF sa taong ito. Kabilang dito, pumasok sa pinal na yugto ang 16 na pelikula na gaya ng In Search of Lost Time ng Tsina, Anatolian Leopard ng Türkiye, Jai Bhim ng India, Call Jane ng Amerika, Fast & Feel Love ng Thailand, at iba pa.
Sa panahon ng pestibal na tatagal hanggang Agosto 20, mahigit 130 pelikulang Tsino at dayuhan ang ipapalabas sa mga sinehan sa Beijing, at mapapanood naman online ang halos 100 pelikula.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos