Mga mangangalakal mula sa mahigit 70 bansa’t rehiyon, kalahok sa Ika-6 na Silk Road International Exposition

2022-08-15 16:04:39  CMG
Share with:

Xi’an, Lalawigang Shaanxi ng Tsina—Binuksan nitong Linggo, Agosto 14, 2022 ang Ika-6 na Silk Road International Exposition at Investment and Trade Forum for Cooperation between East and West China.

 

Sa pamamagitan ng kapuwa online at offline platform, kalahok dito ang mga panauhin at mangangalakal mula sa mahigit 70 bansa’t rehiyong kinabibilangan ng Timog Korea, Thailand, at Singapore, at mga mangangalakal mula sa mahigit 20 lalawigan ng bansa.

 


Layon nilang pasulungin ang magkasamang pagtatatag ng Belt and Road, at ibahagi ang bagong pagkakataon ng kooperasyong pandaigdig.

 

Nakikita sa kasalukuyang ekspo ang espesyal na sona ng pagtatanghal hinggil sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), at idaraos ang roundtable meeting hinggil sa kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng RCEP, para ibayo pang palawakin ang espasyo ng kooperasyon sa pagitan ng iba’t ibang kasaping bansa ng RCEP.

 

Sa panahon ng ekspong ito, malalimang magpapalitan ng kuru-kuro ang mga kalahok sa mga larangang gaya ng intelligent manufacturing, pangangalaga sa karapatan sa pagmamay-ari ng likhang isip (IPR), kooperasyong komersyal at pambatas, at iba pa.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Lito