Sa isang liham na inilathala kamakailan sa Financial Times, binigyang linaw ng Ministri ng Pananalapi ng Bangladesh ang hinggil sa pekeng ulat ng ilang media ng Britanya hinggil sa Tsina.
Kaugnay nito, ipinahayag kahapon, Agosto 15, 2022, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ito ay lubos na nagpapakita ng pagtitiwalaan sa pagitan ng Tsina at Bangladesh.
Tinukoy ni Wang na tulad ng pahayag ng Bangladesh sa naturang liham, kumpara sa pangkalahatang saklaw ng utang panlabas at gross domestic product ng Bangladesh, ang utang nito sa Tsina ay maliit.
Binigyan-diin din ni Wang na ayon sa kahilingan ng mga umuunlad na bansa, palagiang ipinagkakaloob ng Tsina ang konsesyonal na pautang sa mga bansa para makatulong sa kanila na pabutihin ang imprastruktura at benepisyo ng mga mamamayan.
Nanawagan si Wang sa mga kinauukulang media na manangan sa prinsipyong obdyektibo, makatarungan, totoo at tumpak, at lubos na igalang ang katotohanan.
Salin:Sarah
Pulido:Mac