Pag-aproba ng Hapon ng plano sa pagtapon ng nuclear sewage sa dagat, napaka-iresponsable--MFA

2022-07-22 17:32:09  CMG
Share with:

Kaugnay ng pag-aproba ng Nuclear Regulation Authority (NRA) ng Hapon ng plano sa pagtatapon ng treated nuclear contaminated water ng Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant sa dagat, inihayag ngayong araw, Hulyo 22, 2022 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina ang kalungkutan sa desisyong ito.

 

Aniya, sa mula’t mula pa’y ayaw pakinggan ng panig Hapones ang lehitimong pagkabahala at makatwirang kahilingan ng komunidad ng daigdig at mga mamamayang Hapones, at unilateral na itinuloy ang konstruksyon ng aagusan ng kontaminadong tubig at pag-aproba sa plano sa pagtatapon ng nuclear sewage sa dagat, sa halip na isagawa ang lubos at may katuturang negosasyon sa mga stakeholder at kaukulang organisasyong pandaigdig.

 

Napaka-iresponsable ng ganitong kilos ng panig Hapones, at buong tatag na tinututulan ito ng panig Tsino, dagdag ni Wang.

 

Tinukoy niyang ang paghawak sa nuclear contaminated water ng Fukushima ay may kinalaman sa kapaligirang pandagat ng buong mundo at kalusugan ng mga mamamayan sa circum-Pacific region.

 

Muling hinimok niya ang panig Hapones na totohanang isabalikat ang kinakailangang obligasyong pandaigdig, hawakan ang nuclear sewage sa pamamagitan ng siyentipiko, bukas, maliwanag at ligtas na paraan, at huwag sapilitang pasulungin ang plano sa pagtatapon sa dagat.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac