Tsina, ilulunsad ang Mengtian lab module sa space station sa Oktubre

2022-08-21 18:19:55  CMG
Share with:


Nakatakdang ilunsad ng Tsina sa darating na Oktubre ng taong ito ang Mengtian lab module, bilang huling bahagi ng itinatayong space station ng bansa.

 

Sa kasalukuyan, nasa Wenchang Spacecraft Launch Site sa lalawigang Hainan sa katimugan ng Tsina ang naturang spacecraft, at sumasailalim sa mga pagsubok at pagsusuri.

 

Ang Mengtian ay isa sa dalawang lab module ng space station ng Tsina. Ang isa naman na tinatawag na Wentian ay inilunsad noong ika-25 ng nagdaang Hulyo ng taong ito, at idinaong na sa Tianhe core module.

 

Ayon sa pagdidisenyo, ang Mengtian module ay para sa pananaliksik sa microgravity, at nilagyan ng mga laboratory cabinet na may iba’t ibang gamit para sa fluid physics, materials and combustion science, basic physics, at aerospace technology experiments.


Editor: Liu Kai