Paggalang sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa, “Golden Rule” ng relasyong diplomatiko - Tsina

2022-08-23 16:41:39  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati sa pulong nitong Agosto 22, 2022, ng United Nations Security Council (UNSC), ipinahayag ni Zhang Jun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na ang paggalang sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng iba’t ibang bansa ay pundasyon ng pagsasakatuparan ng komong seguridad, ito rin ang “Golden Rule” ng relasyon sa pagitan ng mga bansa.

 

Si Zhang Jun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN (file photo)


Sinabi rin ni Zhang na sa mula’t mula pa’y, ginagalang ng Tsina ang soberanya at kabuuan ng teritoryo ng ibang bansa, iginigiit ang katarungan ng daigdig, at sinusuportahan ang pagsisikap ng komunidad ng daigdig para isakatuparan ang komong seguridad. Kasabay nito, isasagawa aniya ng Tsina ang lahat ng hakbangin para buong tatag na mapangalagaan ang soberanya at kabuuan ng teritoryo ng sariling bansa.

 

Ipinahayag pa ni Zhang na ang UNSC ay gumaganap ng di-mahahalinhang papel sa pangangalaga sa komong seguridad. Dapat igiit ng iba’t ibang bansa ang tunay ng multilateralismo, suportahan ang UN at UNSC sa pagganap nito ng mabisang papel, para sa positibong reaksyon nila na kinakailangan ng panahon at pag-asa ng iba’t ibang panig.

 

Ang Tsina ay kasalukuyang tagapamuno ng UNSC. Sa munghaki ng Tsina, idinaos ng UNSC ang naturang pulong na nagpokus ng “pagpapalakas ng diyalogo at kooperasyon, pangangalaga sa komong seguridad.”

 

Lumahok at nagtalumpati din sa pulong sina Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng UN, at Gustavo Zlauvinen, President of the Tenth Review Conference for the Nuclear Non-Proliferation Treaty (NPT).

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac