Kinatagpo Martes, Pebrero 22, 2022 sa pamamagitan ng video link ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sina Martin Bille Hermann and Alya Ahmed Saif Al-Thani, Co-Chairs ng Intergovernmental Negotiations (IGN) sa reporma ng Security Council ng ika-76 na Sesyon ng Pangkalahatang Asemblya ng United Nations.
Ipinahayag ni Wang na patuloy na kinakatigan ng Tsina ang mga kinakailangang reporma ng UNSC at ganap na nagsisikap ang bansa para rito. Sinabi ni Wang na ang reporma ng UNSC ay dapat ipauna ang pagdaragdag ng representasyon ng mga umuunlad na bansa sa UNSC para ipagkaloob ang mas maraming pagkakataon sa mas maraming bansa, lalo na ng mga katamtaman at maliit na bansa, kung saan isasama ang nabanggit na mga bansa sa paggawa ng UNSC sa mga desisyon.
Binigyang-diin ni Wang na ang reporma sa UNSC ay isang sistematikong gawain at dapat igiit ang pangunahing katayuan ng Intergovernmental Negotiations (IGN).
Sinabi rin ni Wang na umaasa siyang isusulong ng dalawang tagapangulo ang pagpapalalim ng iba’t ibang may kinalamang panig ng kani-kanilang paninindigan para pasulungin ang matatag at malusog na pag-unlad ng reporma ng UNSC.
Magkasamang hinangaan nina Martin Bille Hermann and Alya Ahmed Saif Al-Thani ang pagsisikap ng Tsina para pangalagaan ang multilateralismo at palakasin ang papel ng UN.
Nakahanda anilang pahigpitin ang pakikipag-ugnayan at pakikipagkoordinahan sa mga kasaping bansa ng UN para matatag na pasulungin ang proseso ng reporma ng UNSC.