“Kuwento ni Xi Jinping, pinuno ng reporma:” Mula Beijing patungo sa bayang Zhengding

2022-08-23 14:42:51  CRI
Share with:

Noong katapusan ng Marso 1982, sa edad na 29, Xi Jinping ay lumisan ng Beijing at nagpunta sa bayang Zhengding ng probinsyang Hebei para  manungkulan bilang Pangalawang Kalihim ng Komite ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa bayang ito.


Bago magpunta sa Zhengding, sekretaryo si Xi Jinping ng isang Pangalawang Premyer ng Konseho ng Estado ng Tsina.


Ito ang ikalawang beses na nagtrabaho si Xi sa nakabababang unit ng bansa.


Noong taong 1969, boluntaryong nag-aplay ang 15 anyos na si Xi Jinping para magtrabaho sa Liangjiahe, isang di-matao at maralitang nayon sa gawing hilagang kanluran ng bansa.


Sa kanyang 7 taong pagtatrabaho doon, nagsagawa siya kasama ng mga magsasakang lokal ng mga gawaing agrikultural.


Sa mata ng mga magsasakang lokal, si Xi Jinping ay isang mabuti at masipag na kabataan.


Noong taong 1975, nakapasok si Xi sa Tsinghua University para mag-aral.


Noong taong 1978, ginawa ng pamahalaang Tsino ang makasaysayang desisyong ipatupad ang reporma at pagbubukas sa labas na tampok ang konstruksyong pangkabuhayan.


Binago ng simula ng napakalaking pagbabago ng siglo ang kapalaran ng di mabilang na kabataang Tsino.


Maraming kabataang nagtapos ng pag-aaral sa unibersidad ang nagpunta sa mga malalaking lunsod para magtrabaho, at ilan sa kanila ay lumabas ng bansa para ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral o simulan ang negosyo.


Para kay Xi na nagtrabaho sa organong pang-estado, bakit siya muling nagpunta sa nakabababang unit para magtrabaho?


Paliwanag niya na sa pagtatrabaho sa organong pang-estado sa Beijing, malayo siya sa lipunan, mga mamamayan, at mga suliraning panlipunan. Kung talagang nais paglingkuran ang mga mamamayan, dapat magpunta sa grassroots level at lumapit sa mga mamamayan.


Ang noo’y bayang Zhengding ay may populasyong 450 libo at di umabot sa 150 yuan RMB ang per capita income.


Sa simula ng Dekada 80, hindi kilala ng nakararaming mamamayang Tsino ang tisyu peyper, at ang pagmamay-ari ng isang bisikleta ay hangarin ng pagpupunyagi ng napakaraming pamilyang Tsino.


Ngunit sa gayunding panahon, lumampas na sa 14 na libong dolyares ang per capita Gross National Income sa Amerika, at napakabilis na lumaki ang kabuhayan ng Singapore, Timog Korea, Chinese Hong Kong, at Chinese Taiwan na may bansag na “The Four Asian Dragons.”


Minsa’y sinabi ni Cheng Baohuai, kasamahan ni Xi at alkalde ng bayang Zhengding sa panahong iyon, na nasa isang historic turning point na taglay ang napakalaking pagbabago ang nagdala kay Xi sa Zhengding.

Noong taong 1983, nasa opisina si Xi Jinping na noo’y nanungkulan bilang Pangalawang Kalihim ng Komite ng CPC ng nayong Zhengding.


Sinabi rin ni Wang Youhui, mabuting kaibigan ni Xi at pangalawang alkalde ng bayang Zhengding sa panahong iyon, na sa unang pagkikita nila ni Xi, nakasuot siya ng lumang unipormeng militar at big head shoes na parang isang kusinero ng mga sundalo. “Totoong walang kaporma-porma si Xi,” saad ni Wang.


Ngunit, bumagay ang walang pormang si Xi Jinping sa kapaligiran ng Zhengding sa panahong iyon na ang tanging alam lang ng mga tao ay pagtatanim at di pamilyar sa industriya at ekonomiya.


Nang makitang abala-abalang si Xi Jinping, di naunawaan ng mga residenteng lokal kung bakit nag boluntaryo itong talikuran ang maginhawang buhay sa lunsod at nagtrabaho sa nayong ito.


Sinabi ni Xi na ang pag-iisip ng pagkakaroon ng maginhawang pamumuhay, ay karaniwang pangarap lang. Handa aniya siyang makahulagpos sa mga kahirapan.

Noong Oktubre ng 1984, si Xi Jinping, Kalihim ng Komite ng CPC ng bayang Zhengding sa panahong iyon, habang ipinamimigay ang public opinion survey form sa mga mamamayan.


Makaraang manungkulan siya bilang pangulo ng bansa noong taong 2013, sinabi ni Xi Jinping sa mga kabataan na ang Tsina at Nasyong Tsino ngayo’y nagiging maunlad at masagana mula sa karalitaan at kahinaan, ito ay dumedepende sa kasipagan at pagpupunyagi ng hene-henerasyon.


Ipinalalagay ni Xi na dapat matapang na pumunta ang mga kabataan sa mga mahirap na lugar para magkaroon ng pagsasanay at kakayahan. Hindi dapat matakot ang mga kabataan sa mga kahirapan, ani Xi.


Ganito ang ginawa ni Xi Jinping.


Upang mapabuti ang pamumuhay ng mga residenteng lokal, isinulong ng batang Xi Jinping ang malawak at matatag na reporma sa bayang Zhengding.


Pinapasok ni Xi ang ekonomiya ng paninda, proyektong panturista, siyensiya’t teknolohiyang agrikultural, at mga talento sa bayang Zhengding, bagay na nagbuks ng isang pinto tungo sa mas malawak na daigdig para sa mga mamamayang lokal.


Salin: Lito

Pulido: Mac