Pagkakaisa ng mga Tsino sa loob at labas ng bansa, kailangan sa pag-ahon ng Nasyong Tsino - Xi Jinping

2022-07-31 20:30:04  CMG
Share with:

 

Sa kanyang talumpati sa Central Conference on the United Front Work na idinaos sa Beijing, Hulyo 29 hanggang 30, 2022, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang kasalukuyang taon ay ika-100 anibersaryo ng paghaharap ng United Front Policy ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), kaya kailangang igiit ang tumpak na direksyon ng pag-unlad ng patriotic united front, at wastong hawakan ang katayuang historikal ng patriotic united front sa bagong panahon.

 

Ani Xi, kabilang sa mga pundamental na misyon ng united front sa bagong panahon ay: igiit ang pagiging patnubay ng sosyalismong may katangiang Tsino sa bagong panahon; igiit ang pamumuno ng CPC; igiit ang sosyalistang landas na may katangiang Tsino; itaas ang dakilang watawat ng patrotismo at sosyalismo; ibalanse ang komonalidad at dibersidad; igiit ang napapanahong pagsulong at inobasyon; palakasin ang pagbibigay-patnubay ng ideya at pulitika; patingkarin ang pulitikal na papel ng pagtitipun-tipon ng lakas ng mga tao; pasulungin ang harmonya ng relasyon sa pagitan ng mga paksyong pulitikal, relasyon ng mga nasyonalidad, relasyon ng rehiliyon, relasyon ng iba’t-ibang lebel, at relasyon ng mga Tsino sa loob at labas ng bansa; at pasulungin ang pagkakaisa at pagpupunyagi ng mga Tsino sa loob at labas ng bansa upang matipon ang napakalaking lakas para sa komprehensibong pagtatayo ng sosyalista at modernong bansa at maisakatuparan ang dakilang pag-ahon ng Nasyong Tsino.


Editor: Lito
Pulido: Rhio Zablan