Ika-120 magkakasanib na pamamatrolya at pagpapatupad ng batas sa Mekong River ng Tsina, Laos, Myanmar at Thailand, opisyal na sinimulan

2022-08-24 16:30:26  CMG
Share with:

Ayon sa Departamento ng Pampublikong Seguridad ng Lalawigang Yunnan sa dakong timog ng Tsina, opisyal na sinimulan nitong Agosto 23, 2022, ang ika-120 magkakasanib na pamamatrolya at pagpapatupad ng batas sa Mekong River ng Tsina, Laos, Myanmar at Thailand.

 

Ang Mekong River (file photo)


Ayon sa plano, sa darating na 4 na araw, mahigpit na susundin ng mga kalahok na tauhan ang kahilingan ng pagpigil at pagkontrol sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), at isasagawa ang aksyon sa paraang “walang-kontak.”

 

Bago magsimula ang pamamatrolya, idinaos ang video meeting para sa iba’t ibang kinauukulang panig para magpalitan ng impormasyon at talakayin ang kinauukulang isyu.

 

Narating na ng mga kaukulang panig ang komong palagay hinggil sa gawain sa susunod na yugto.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac