Bagan, Myanmar - Ginanap nitong Lunes, Hulyo 4, 2022 ang Ika-7 Lacang-Mekong Cooperation (LMC) Foreign Minister’s Meeting.
Sa kanyang magkasamang pangungulo sa pulong, inihayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na dapat samantalahin ang magandang pagkakataon ng masiglang pag-unlad ng kooperasyong panrehiyon, at pasulungin ang tuluy-tuloy na pag-a-upgrade ng LMC sa anim na mahahalagang aspektong kinabibilangan ng pagpapalakas ng estratehikong pamumuno, pagpapalalim ng ekonomikong integrasyon, pagpapalawak ng kooperasyong agrikultural, paggigiit sa berdeng pag-unlad, pagpapasulong sa kooperasyong digital, at pagpapahigpit ng people-to-people exchanges.
Inanunsyo niyang isasagawa ng panig Tsino ang 6 na hakbanging makakapaghatid ng benepisyo sa mga bansa sa kahabaan ng Mekong River. Kabilang dito ay isang action plan sa Lancang-Mekong agricultural cooperation, isang beneficial plan sa yaman ng tubig ng Lancang-Mekong, isang kooperatibong plano sa Lancang-Mekong digital economy, isang plano sa kooperasyong pangkalawakan ng Lancang-Mekong, isang Lancang-Mekong talent plan, at isang plano sa kooperasyon sa kalusugang pampubliko ng Lancang-Mekong.
Tinalakay ng mga kalahok na ministrong panlabas ng iba’t ibang bansa ang hinggil sa temang “pagpapalakas ng anim na bansa ng pagkakaisa, magkakasamang pagpapasulong sa kapayapaan at kasaganaan.
Buong pagkakaisang ipinalalagay nilang ang LMC ay hindi lamang nakakapaghatid ng benepisyo sa mga mamamayan sa kahabaan ng Lancang-Mekong River, kundi nakakapagpasulong din sa kapayapaan, kaunlaran at kasaganaan ng rehiyon.
Inilabas sa pulong ang magkasanib na komunike at apat na magkasanib na pahayag hinggil sa pagpapalalim ng kooperasyon sa seguridad ng kalakalan ng adwana at clearance facilitation, kooperasyong agrikultural at seguridad ng pagkaing-butil, kooperasyon sa pangangasiwa sa kapahamakan, pagpapalitan at pag-aaral sa magkakaibang sibilisasyon.
Salin: Vera
Pulido: Mac