Ilang katotohanan tungkol sa pagbisita ni Nancy Pelosi sa rehiyong Taiwan

2022-08-25 14:36:24  CRI
Share with:

Sa kabila ng solemnang babala ng panig Tsino, di nagpapigil na bumisita si Nancy Pelosi, Ispiker ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Amerika, sa rehiyong Taiwan ng Tsina na malubhang lumapastangan sa kaligtasan ng soberanya, malubhang nakapinsala sa kabuuan ng teritoryo ng Tsina, malubhang nakasira sa kapayapaan at katatagan ng Taiwan Strait, at malubhang nakaapekto sa pundasyong pulitikal ng relasyong Sino-Amerikano.


Bilang tugon, napilitang isagawa ng panig Tsino ang ganting-hakbangin.


Ngunit binabaluktot ng panig Amerikano ang tama’t mali at binaliktad ang itim at puti, ikinakalat ang mga pekeng impormasyon sa daigdig, at walang batayan nitong binatikos ang isinagawang lehitimong ganting-hakbangin ng panig Tsino. Layon nitong iligaw ang kaalaman ng komunidad ng daigdig sa usapin ng Taiwan.


Kaya, kailangang ilabas ang mga katotohanan para linawin ang usaping ito.


Una: Ang prinsipyong isang Tsina ay pundasyong pulitikal ng relasyong Sino-Amerikano, at malinaw at tiyak ito.


Iisa lang ang Tsina sa daigdig. Bahagi ng Tsina ang Taiwan, at ang pamahalaan ng Republika ng Bayan ng Tsina ay tanging lehitimong pamahalaan ng buong Tsina. Ito ang unibersal na napagkasunduan ng komunidad ng daigdig.


Bagama’t inihayag ng Amerika ang pag-ayon sa patakarang isang Tsina, sa katotohanan, walang patid nitong pinipilipit, binabago, at pinapahina ang prinsipyong isang Tsina.


Ikalawa: Parte ng pamahalaang Amerikano ang kongreso. Ang pagbisita ng mambabatas nito sa rehiyong Taiwan ay lumalabag sa pangakong pulitikal ng Amerika na panatilihin lamang ang di-opisyal na pakikipagpalitan sa Taiwan, at lumalabag sa prinsipyong isang Tsina at Tatlong Magkakasanib na Komunike ng Tsina at Amerika.


May responsibilidad ang pamahalaang Amerikano na tiyakin ang pagpapatupad at pagsasagawa ng mga responsibilidad nito batay sa pangakong pulitikal sa panig Tsino.


Ikatlo: Walang anumang kaugnayan sa demokrasya ang pagbisita ni Pelosi sa rehiyong Taiwan. Ito ay isang political show at grabeng probokasyon lang na lumapastangan sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Tsina, tumaliwas sa mithiin at kalooban ng mahigit 1.4 na bilyong mamamayang Tsino, at humamon sa kasunduang isang Tsina ng komunidad ng daigdig.


Ika-apat: Ang Amerika at separatistang puwersang naninindigan sa “pagsasarili ng Taiwan” ay tunay na nagbago sa kasalukuyang kalagayan ng Taiwan Strait at idinulot ang krisis.


Ikalima: Napakalinaw na ang pagbisita ni Pelosi sa rehiyong Taiwan ay pinagplanuhan at sinulsulan ng Amerika. Isinagawa ng panig Tsino ang lehitimong hakbangin makaraang magsabwatan ang Amerika at Taiwan sa probokasyon. Ito ay angkop sa batas ng bansa, pandaigdigang batas, at regulasyong pandaigdig.


Ika-anim: Makatuwiran at lehitimo ang pagsasagawa ng hukbong Tsino ng ensayong militar sa karatig na karagatan ng Taiwan.


Ang kilos ng Amerika na “piligin ang pag-unlad ng Tsina sa pamamagitan ng Taiwan” ay tunay na pinag-ugatan ng pagkasira sa kapayapaan at katatagan ng Taiwan Strait, lalo na ng buong daigdig.


Ikapito: Nakakarami sa mga bansa ng buong mundo ang naggigiit ng prinsipyong isang Tsina.


Ipinahayag ng mahigit 170 bansang kinabibilangan ng mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang kanilang paggigiit sa prinsipyong isang Tsina.


Sa isyung ito, ibinubukod ang Amerika at iilang bansa.


Ikawalo: May substansiyal na pagkakaiba ang usapin ng Taiwan at isyu ng Ukraine. Isang bahagi ng Tsina ang Taiwan, at di kailanma’y magiging isang bansa.


Ikasiyam: Makatuwiran at lehitimo ang isinasagawang sangsyon ng Tsina bilang tugon sa pagbisita ni Pelosi sa rehiyong Taiwan. Ito ay karapat-dapat na karapatan ng isang soberanong bansa.


Ikasampu: Ang nasabing pagbisita ay malubhang nakapinsala sa pundasyong pulitikal ng relasyong Sino-Amerikano na nakakalikha ng hadlang sa pagpapalitan at pagtutulungan ng kapwa panig.


Dapat isabalikat ng panig Amerikano ang lahat ng responsibilidad nito.


Ikalabing-isa: Dapat isabalikat ng panig Amerikano ang responsibilidad ng pagsusupendi ng talakayang Sino-Amerikano sa pagbabago ng klima.


Sa isyu ng pagsasa-ayos ng kapaligirang pandaigdig na tulad ng pagbabago ng klima, ipagpapatuloy ng panig Tsino ang pandaigdigang pakikipagkooperasyon.


Salin: Lito

Pulido: Mac