Kaugnay na pahayag na ang aksyon ng Tsina ang nagpalala ng tensyon sa Taiwan Strait at iba pang pananalita hinggil dito na inilabas kamakailan ng ilang opisyal ng Amerika, ipinahayag nitong Agosto 30, 2022, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang puwersang naninindigan sa “pagsasarili ng Taiwan” ay nagtatangkang kunin ang suporta ng bansang dayuhan na kinabibilangan ng Amerika, para pasulungin ang sariling agenda, at ito ang pinagmulan ng kasalukuyang tensyon sa Taiwan Strait.
Sinabi pa ni Zhao na ang Amerika at puwersang naninindigan sa "pagsasarili ng Taiwan" ay mga panig na nagtatangkang baguhin ang kasalukuyang kalagayan ng Taiwan Strait, hindi ang Tsina.
Iisang Tsina lang sa buong daigdig, at ang Taiwan ay isang bahagi ng Tsina. Ang pamahalaan ng People's Republic of China ay tanging lehitimong pamahalaang kumakatawan sa buong Tsina, ani Zhao
Kung gustong hanapin ng Amerika ang katatagan ng kalagayan ng Taiwan Strait, dapat nito sundin ang prinsipyong isang Tsina, at regulasyon ng Tatlong Magkasanib na Komunike ng Tsina at Amerika, at hindi dapat ipadala ng Amerika ang anumang maling signal sa puwersang naninindigan sa “pagsasarili ng Taiwan,” diin pa niya.
Salin:Sarah
Pulido:Mac