Kaugnay ng mga insidente ng pagbihag at pananakit sa mga Taiwanes sa Cambodia kamakailan, ipinahayag nitong Lunes, Agosto 29, 2022 ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa kasalukuyan, natanggap ng Embahadang Tsino sa Cambodia ang paghingi ng tulong ng mahigit 20 kababayang Taiwanes at nailigtas na sila. Ipinahayag ni Zhao na lubos na pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang kaligtasan at lehitimong karapatan at kapakanan ng mga residenteng Tsino sa ibayong dagat na kinabibilangan ng mga kababayang Taiwanes.
Sinabi pa ni Zhao na sa kasalukuyan, isinasagawa ng Embahadang Tsino ang mahigpit na pakikipag-ugnayan sa panig Cambodian para hanapin at iligtas ang mga naturang biktima ng illegal recruitment.
Ani Zhao, agarang makipag-ugnayan ang mga nasa-panganib na Taiwanes at kanilang mga kamag-anak sa Embahadang Tsino sa Cambodia para mabigyan sila ng tulong.
Salin: Ernest
Pulido: Mac