Natamong bunga ng unang solar observation satellite ng Tsina, inilabas

2022-08-31 16:11:30  CMG
Share with:

Inilabas nitong Martes, Agosto 30, 2022 ng Tsina ang mga natamong bunga ng unang solar observation satellite na “Xihe,” na kinabibilangan ng mga breakthrough sa technology verification at pagbabahagi ng mga datos sa komunidad ng daigdig.

 

Sapul nang ilunsad ang naturang satellite sa isang sun-synchronous orbit noong Oktubre ng 2021, nakakuha ito ng kauna-unahang H-alpha spectral scanning imaging na may ultra-precision, pagkatapos ng obserbasyon sa halos 100 solar burst activities.

 


Isinalaysay ni Ding Mingde, Punong Siyentipiko ng Xihe Solar observation satellite na ito ay parang isang CT scan sa buong planetang Araw.

 

Layon nitong hanapin ang batas na pisikal ng solar atmosphere at solar activities, dagdag niya.

 

Bukod dito, mayroon ding breakthrough ang nasabing satellite sa ultra-precision at super stability, at nagkakaloob na ito ng mas magandang kapaligiran para sa pagkuha ng kamera ng mas malinaw na litrato.

 

Bukas sa mga siyentipiko sa buong mundo ang resulta ng pagsasarbey ng satellite, at maaaring i-download ang mga ito mula sa official website.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac