CMG Komentaryo: CIFTIS, pinupurihan ng mga kompanya sa buong mundo

2022-09-01 15:33:28  CMG
Share with:

Binuksan kagabi, Agosto 31, 2022 sa Beijing ang 2022 China International Fair for Trade in Services (CIFTIS) na may temang "Cooperating for Better Development," at "Innovating for a Greener Future."

 

Sapul nang idaos ang kauna-unahang CIFTIS noong 2012, nakatanggap ito ng papuri mula sa mga kompanya sa buong mundo, at nagsilbing pinakamalaking perya sa daigdig sa larangan ng kalakalan ng serbisyo.

 


Batay sa magandang reputasyon nito, ang kasalukuyang CIFTIS ay nakahikayat ng pagsali ng mahigit 400 sa top 500 enterprises at mga namumukod na kompanya sa daigdig.

 

Ang panghalina ng malaking merkado ng Tsina ay sanhi ng magandang reputasyon ng CIFTIS.

 

Nitong nakalipas na 10 taon, mabilis na umunlad ang kalakalan ng serbisyo ng Tsina. Mula noong 2012 hanggang 2021, lumaki ng 1.49 na ulit ang added value ng industriya ng serbisyo ng Tsina, at pumangalawa sa daigdig nitong nakalipas na 8 taong singkad ang puwesto ng kalakalan ng serbisyo.

 

Sa pamamagitan ng plataporma ng CIFTIS, tinanggap ng maraming kompanya ang pamumuhunan mula sa mga kompanyang Tsino, at pumasok sa pamilihang Tsino ang maraming kompanya, para ibahagi ang benepisyong dulot ng pagbubukas sa labas ng Tsina.

 

Kasabay ng tuluy-tuloy na pagpapasulong ng bansa ng pagbubukas sa labas sa mataas na antas, walang humpay na lumalakas din ang panghalina sa puhunang dayuhan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac