2022 CIFTIS, handa na

2022-08-24 15:50:50  CMG
Share with:

 

Ayon sa Ministri ng Komersyo at pamahalaan ng Beijing nitong Martes, Agosto 23, 2022, kompleto na ang mga gawaing paghahanda para sa 2022 China International Fair for Trade in Services (CIFTIS) na itinakdang idaos sa Beijing mula Agosto 31 hanggang Setyembre 5 ng taong ito.

 

Ang tema ng 2022 CIFTIS ay “Cooperate for Better Development, Innovate for a Greener Future.”

 

Sa panahon ng peryang ito, itataguyod ang mga porum at pagtatanghal sa iba’t ibang larangan.

 

Hanggang sa kasalukuyan, kumpirmadong lumahok sa peryang ito ang 189 na mahalagang panauhin sa loob at labas na bansa at mahigit 400 ng top 500 kumpanya ng buong daigdig.


Salin: Ernest

Pulido: Mac