Dumating nitong Huwebes, Setyembre 1, 2022 sa Jakarta Port, Indonesia ang isang high-speed electric passenger train at isang inspection train na yari ng Tsina.
Ito ang unang pangkat ng mga tren para sa Jakarta-Bandung High-Speed Railway na dumating sa Indonesia, at nagsilbi itong mahalagang milestone sa konstruksyon ng naturang daambakal.
Ang naturang mga high-speed electric multiple units at comprehensive inspection train ay idinisenyo at niyari ng CRRC Qingdao Sifang Co. Ltd., batay sa modernong teknolohiya ng Fuxing bullet train ng Tsina.
Umabot sa 350 kilometro bawat oras ang maximum operating speed nito, at ang disenyo at proseso ng pagyari ay nababatay sa pamantayan ng Tsina.
Maaari rin itong umangkop sa kapaligiran ng operasyon at kondisyon ng linya sa Indonesia.
Ipapadala sa Indonesia ang 10 pang tren mula sa Tsina bago ang unang dako ng 2023.
Paiikliin ng naturang daambakal ang tagal ng biyahe sa pagitan ng Jakarta at Bandung sa 40 minuto, mula mahigit 3 oras noong dati.
Salin: Vera
Pulido: Mac