12 tren, ginawa ng Tsina para sa Jakarta-Bandung Railway sa Indonesia

2022-08-07 17:10:04  CMG
Share with:

Ayon sa China Railway International Co. Ltd., natapos Agosto 5, 2022, sa Qingdao, lunsod sa silangan ng Tsina, ang paggawa ng 11 high-speed electric passenger train at isang inspection train para sa Jakarta-Bandung High-speed Railway sa Indonesia.

 

Ang mga ito ay ihahatid sa bansa sa malapit na hinaharap, dagdag ng korporasyon.

 

Ang naturang mga tren na ginawa ng China Railway Rolling Stock Corporation Qingdao Sifang Co. Ltd. ay may mga bagong disenyong nakatugma sa kalagayan ng Indonesia sa aspekto ng operasyon at kaugaliang kultural.

 

Ang pagkakagawa ng mga ito ay mahalagang pag-unlad sa pagtatayo ng Jakarta-Bandung High-speed Railway, na isang landmark na proyekto sa ilalim ng Belt and Road Initiative.

 

Samantala, ang paghahatid ng mga tren sa Indonesia ay maglalatag ng matibay na pundasyon para sa de-kalidad na pagkumpleto ng naturang daambakal ayon sa iskedyul.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan