Beijing, Tsina—Nakipagtagpo nitong Martes, Hulyo 26, 2022 si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina kina Retno Marsudi, Ministrong Panlabas ng Indonesya, at Luhut Binsar Pandjaitan, Indonesian Coordinator for Cooperation with China at Coordinating Minister.
Saad ni Wang, ang biyahe ni Pangulong Joko Widodo sa Tsina ay nagpapakita ng lumalakas na ugnayang bilateral.
Aniya, kinakatigan ng panig Tsino ang mga gawain ng Indonesya bilang tagapangulong bansa ng G20 at tagapangulong bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa susunod na taon, at winewelkam ang patuloy at aktibong pagsali ng Indonesya sa kooperasyon ng “BRICS Plus.”
Kapuwa inihayag naman ng mga ministrong Indonesyan na lubos na pinahahalagahan ni Pangulong Widodo ang kasalukuyang pagdalaw sa Tsina, at umaasang gagawing pagkakataon ang naturang pagdalaw, para ibayo pang pataasin ang relasyon ng dalawang bansa, at palalimin ang mapagkaibigang kooperasyon sa iba’t ibang larangan.
Salin: Vera
Pulido: Mac