Matapos makita ang nilalaman ng tatlong proyekto ng daam-bakal na kinabibilangan ng Subic-Clark Railway Project, Philippine National Railways (PNR) South Long-Haul Project, at Mindanao Railway Project (MRP) na poponduhan ng Tsina sa Pilipinas, ipinahayag kamakailan ng Kagawaran ng Transportasyon (DOTr) na ang Tsina ay nananatili pa ring “pinakamabuting opsyon” sa nasabing tatlong proyekto.
Ngunit, patuloy pa rin sa Pilipinas ang ilang kasinungalingan na ikinakalat ng Amerika at ilang bansang Kanluranin na naglalayong hadlangan ang kooperasyong Pilipino-Sino.
Sa katotohanan, sapul nang isagawa ng Tsina, kasama ng maraming mga umuunlad na bansang kinabibilangan ng Pilipinas, ang mga proyektong pangkooperasyon ng “Belt and Road,” madalas na kabaliktaran ang ibinabalita ng ilang politiko at media ng Amerika at maging sa mga bansang Kanluranin ay sinasabi ang problema ng utang ng ilang umuunlad na bansa, at niluluto at paulit-ulit na sinulsulan ang mga kasinungalingan na naglalayong sirain ang “Belt and Road” Initiative.
Pinag-ibayo pa kamakailan ang ganitong mga kasinungalingan.
Nililikha ba ng “Belt and Road” Initiative ang masamang problema o ipinagkakaloob ang pagkakataon ng pag-unlad para sa maraming mga umuunlad na bansa at komunidad ng daigdig? Ipapaliwanag natin ito sa pamamagitan ng katotohanan.
Hanggang noong Hulyo 4 ng kasalukuyang taon, nilagdaan ng Tsina at 149 na bansa at 32 organisasyong pandaigdig ang dokumentong pangkooperasyon ng magkakasamang konstruksyon ng “Belt and Road” na nagbunga ng mahigit 3,000 proyektong pangkooperasyong nagkakahalaga ng halos 1 trilyong dolyares.
Nasa iba’t-ibang sulok sa Asya ang mga natamong bunga ng “Belt and Road.” Nitong 6 na taong nakalipas, sa pamumuno ng mga lider ng Tsina at Pilipinas, magkasamang napalalim ng Tsina at Pilipinas ang sinerhiya sa pagitan ng Belt and Road Initiative at Build, Build, Build. Isinagawa ng kapwa panig ang halos 40 proyektong pangkooperasyon sa pagitan ng pamahalaan na sumaklaw sa maraming larangang gaya ng pakikibaka laban sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), gawaing panaklolo sa kalamidad, lansangan at tulay, at agrikultura.
Bukod pa riyan, ang China-Laos Railway na naisaoperasyon noong Disyembre 3, 2021, Hanoi Metro Line 2A — unang subway ng Biyetnam na nakompleto noong taong 2018, East Coast Rail Link (ECRL) — pinakamalaking proyektong pangkooperasyon ng Tsina at Malaysia na matatapos sa 2026, Jakarta-Bandung High-Speed Railway — unang high-speed railway sa Timog Silangang Asya na matatapos sa taong 2023, at iba pa, ay pawang natamong bunga ng “Belt and Road” sa Asya.
Nagsisilbi ang mga ito bilang matagumpay na karanasan para sa kooperasyon ng mga kaukulang bansa.
Bilang tugon sa problema ng utang ng mga umuunlad na bansa, tinutulungan sila ng Tsina sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.
Sa pulong ng mga tagapagkoordina ng pagsasakatuparan ng bunga ng Ika-8 Pulong na Ministeriyal ng Porum na Pangkooperasyon ng Tsina at Aprika, ipinatalastas ng panig Tsino na kakanselahin ang 23 utang ng interest-free loan ng Tsina sa 17 bansang Aprikano na dapat bayaran noong katapusan ng 2021.
Makaraang sumiklab ang debt crisis sa Sri Lanka, aktibong ipinagkaloob ng Tsina ang 500 milyong yuan RMB na pangkagipitang makataong tulong sa bansang ito.
Isang bagay na dapat banggitin na sinabi ng Amerika at ilang bansang Kanluranin na biktima ang Sri Lanka ng “debt trap” at ikinalugi nito ang Tsina.
Ngunit sa katotohanan, sa mga dayuhang utang ng Sri Lanka, katumbas ng 10% lamang ang utang sa Tsina, at katumbas ng nakakaraming bahagi ang pautang mula sa Amerika, mga organong pinansiyal ng Europa, at Hapon — alyansa ng bansang Kanluranin.
Kinakaharap pa rin sa kasalukuyang ng daigdig ang maraming hamong tulad ng krisis ng pampublikong kalusugan, at krisis ng enerhiya at pagkain. Kaya lubos na kailangang palakasin ang pandaigdigang kooperasyon para maitatag ang komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan at magkakasamang harapin ang mga hamon.
Bilang pragmatikong praktis ng pagpapasulong ng pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan, nagsisilbing pinakamabuting paraan ang “Belt and Road” Initiative.
Sa kabila ng pagharap ng mga bansa sa daigdig sa krisis ng enerhiya at pagkain, hindi pa rin itinitigil ng Amerika ang pagsuporta sa sagupaan sa pagitan ng Rusya at Ukraine. Ipinatalastas kamakailan ng Amerika na ipagkakaloob pa ang 3 bilyong dolyares na tulong militar sa Ukraine. Tangka nitong pahabain ang gyerang ito para maigarantiya ang hegemonya ng Amerika sa buong daigdig.
Bukod pa riyan, sa pagharap ng Afghanistan sa malubhang makataong krisis at krisis ng pagkain, ilegal na ninakaw ng Amerika ang halos 7 bilyong dolyares na ari-arian ng Afghanistan sa ibayong dagat na patuloy na nagpapahirap sa bansang malubha nang napinsala ng digmaan.
Paulit-ulit na napatunayan ng mga katotohanan na ang Tsina ay palagiang maaasahang kaibigan at matapat na katuwang ng mga umuunlad na bansa.
Ang pamumuhunan mula sa Tsina ay nagbibigay ng pagkakataon ng pag-unlad sa halip na lumilikha ng masamang problema.
Sa kabila ng paninirang-puri ng Amerika at ilang bansang Kanluranin, buong tatag na magsisikap, kasama ng maraming mga umuunlad na bansa ang Tsina para komprehensibong maisakatuparan ang Global Development Initiative (GDI), de-kalidad at magkakasamang maitayo ang “Belt and Road,” at makapaghatid ng mas mabuti at mas pantay na benepisyo sa mga mamamayan ng iba’t-ibang bansa.
Salin: Lito
Pulido: Mac / Jade