Kasabay ng pagtatapos ng konstruksyon ng No. 2 Tunnel ng Jakarta-Bandung High-Speed Railway nitong Martes, Hunyo 21, 2022, natapos na rin ang pagtatayo ng lahat ng 13 tsanel ng daambakal.
Dahil dito, nailatag na ang pundasyon para sa pagsasaoperasyon ng buong linya sa Hunyo 2023.
May kabuuang haba na 142 kilometro, ang daambakal ay nasa pagitan ng Jakarta, Kabisera ng Indonesya, at Bandung, ika-4 na pinakamalaking lunsod ng bansa.
Ito ay may disenyong bilis na 350 kilometro kada oras.
Ang proyekto ay nasa ilalim ng Belt and Road Initiative at pragmatikong kooperasyon ng Tsina at Indonesya.
Bukod sa pagkumpleto sa lahat ng tsanel at culvert, tapos na rin ang 90% ng civil work ng subgrade, tulay at istasyon.
Salin: Vera
Pulido: Rhio