Op-Ed: "Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan"; prospek ng kooperasyong Sino-Pilipino sa mga larangan, malawak

2022-07-19 16:41:40  CRI
Share with:

Si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos ng Pilipinas

Inatasan kamakailan ni bagong halal na Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos ang Department of Transportation (DOTr) na agad na isagawa ang kunsultasyon sa panig Tsino hinggil sa pautang ng tatlong proyekto ng daambakal na kinabibilangan ng Subic-Clark Railway Project, Philippine National Railways (PNR) South Long-Haul Project, at Mindanao Railway Project (MRP).


Dahil pinag-ikulan ng napakalaking pansin ang plano ng konstruksyon ng 3 daam-bakal sa Pilipinas, pagkalabas ng impormasyong ito, lumilitaw ang maraming hinala sa bansang ito at komunidad ng daigdig.


Kaugnay nito, agad at magkasunod na inilabas ng Ministring Panlabas ng Tsina at Embahadang Tsino sa Pilipinas ang pahayag bilang pagpapahayag ng mithiin at katapatan ng panig Tsino tungkol sa pagpapalakas ng pakikipag-ugnayan sa bagong pamahalaang Pilipino sa plano ng konstruksyon ng imprastruktura.

 

Si Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina

Ipinahayag nitong Hulyo 18, 2022 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang kooperasyon sa imprastruktura ay isang malaking tampok ng pragmatikong kooperasyong Sino-Pilipino nitong 6 na taong nakalipas.


Maayos aniyang isinusulong ang isang serye ng proyektong kinabibilangan ng nasabing 3 daam-bakal.


Malugod na tinatanggap ng panig Tsino ang naturang atas ni Pangulong Marcos Jr. sa DOTr at nakahandang isagawa ang komprehensibong pakikipag-ugnayan sa bagong pamahalaang Pilipino para mapasulong ang konstruksyon ng mga proyekto at tulungan ang Pilipinas sa pagpapataas ng lebel ng konstruksyon ng imprastruktura sa mga tradisyonal at umuusbong na mga sektor.


Sa pahayag naman ng Embahadang Tsino sa Pilipinas, sinabi nito na bukas ang atityud ng panig Tsino sa kooperasyon ng dalawang bansa sa imprastruktura at iba pang larangan.


Nakahanda anito ang panig Tsino na patuloy na isagawa ang pakikipagsanggunian sa panig Pilipino.


Ayon din sa pahayag ng Embahadang Tsino, nitong 2 taong nakalipas, dahil sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), apektado ang pagsasagawa ng ilang proyekto at lumabas ang mga problemang tulad ng hadlang sa site availability, pagpapaliban sa pagbili ng lugar na pagtatayuan ng proyekto, at paggalaw ng mga paninda.


Dahil sa mga ito, apektado ang ilang isinasagawang proyekto ng kapwa panig.

Noong huling dako ng Pebrero ng nagdaang taon, dumating sa Pilipinas ang unang pangkat ng bakuna kontra sa COVID-19 na donasyon ng Tsina.

Ngunit, iginigiit anito ng dalawang bansa ang mga proyekto sa mga larangang tulad ng pakikibaka laban sa pandemiya, disaster relief work, konstruksyon ng imprastruktura, at agrikultura, at nakamit ang kapansin-pansing bunga.


Nitong 6 na taong nakalipas, napalalim ng Tsina at Pilipinas ang sinerhiya sa pagitan ng Belt and Road Initiative (BRI) at Build, Build, Build, pambansang programang pang-kaunlaran ng Pilipinas.

Sentro ng teknikang agrikultural sa Pilipinas

Dahil dito, nakikita sa kooperasyon ang mabungang resulta at naibibigay sa kapuwa panig ang aktuwal na mga benepisyo.

Ang Binondo-Intramuros Bridge

Sa kasalukuyan, tapos na ang 17 proyekto, at isinasagawa ang mahigit 20 iba pa. Noong Hulyo ng nagdaang taon, maagang natapos at naisaoperasyon ang Estrella-Pantaleon Bridge; noong Abril ng kasalukuyang taon, naisaoperasyon ang Binondo-Intramuros Bridge; pagkatapos ng mahigit 20 taong konstruksyon, nakikinabang ang mahigit 134 libong pamilyang Pilipino sa sentro ng teknikang agrikultural na pinondohan ng panig Tsino, at 308 milyong kilogram ang karagdagang ani ng pagkaing-butil; noong Hunyo 25, 2022, natapos ang Proyekto ng Irigasyon sa Ilog Chico, at ipagkakaloob nito ang mabisang irigasyon ng tubig sa lokalidad, bagay na makakapagpasulong sa sustenableng paggamit at pag-unlad ng mga likas na yaman at makakapagpabuti sa pamumuhay ng mga lokal na mamamayan; noong huling dako ng Pebrero ng nagdaang taon, dumating sa Pilipinas ang unang pangkat ng bakuna kontra sa COVID-19 na donasyon ng Tsina, at ang Tsina ay nagsilbing unang bansang nagkaloob ng bakuna sa Pilipinas; ang maalwang pagpapadala ng 10 libong toneladang bigas na donasyon ng Tsina sa Pilipinas, ay nakapagpatingkad ng mahalagang papel sa disaster relief work sa Super Typhoon Rai; noong Hunyo 13 ng kasalukuyang taon, pirmado ng mga kompanyang Tsino at Department of Public Works and Highways (DPWH) ang kontrata tungkol sa “Consulting Services for the Conduct of Detailed Engineering Design and Construction Supervision” ng Davao River Bridge… Ang mga ito ay pawang nagpapahiwatig ng napakalakas na bitalidad ng kooperasyong Sino-Pilipino sa iba’t-ibang larangan.

Ang Estrella-Pantaleon Bridge

Sa epekto ng pandemiya at kalagayan ng Rusya at Ukraine, kapwa nahaharap ang Tsina at Pilipinas sa mga hamong tulad ng pagpapaunlad ng kabuhayan at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, kaya nagiging mas mahigpit at mahalaga ang pagpapalakas ng Tsina at Pilipinas ng kanilang pagtutulungan.

Proyekto ng Irigasyon sa Ilog Chico

Bukod pa riyan, ang pagpapalakas ng kooperasyong Sino-Pilipino ay nakakapaghatid ng win-win result sa kapwa panig.


Sa isang dako, sa proseso ng konstruksyon ng imprastruktura, iginiit ng mga kontraktor na Tsino ang modelong “sariling pagtatayo ng bansang pagtatayuan” na nagbigay ng napakaraming trabaho sa mga Pilipino.

Effect picture ng Davao River Bridge

Samantala, binili ng mga kontraktor na Tsino ang napakaraming materiyal, kagamitan, at iba pa sa lokalidad, na nakapagpasulong sa pag-ahon ng kabuhayang Pilipino; sa kabilang dako, ang pagsasagawa ng mga proyektong pangkooperasyon ng dalawang bansa ay nakakatulong sa mabuting alokasyon ng yaman ng Tsina sa mas malaking saklaw, at nakakapagpalawak ng espasyong pampamilihan, bagay na nagkakaloob ng bagong puwersang tagapagpasulong sa paglaki ng kabuhayang Tsino.

Sa pag-uusap sa telepono nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng Pilipinas noong Mayo 18 ng kasalukuyang taon, sinipi ng una ang bantog na kasabihang Pilipino na “Kung hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makakarating sa paroroonan.”


Ipinahayag ni Pangulong Xi na dapat ituloy ng mabuti ng dalawang bansa ang kanilang pagkakaibigan, at hindi dapat kalimutan ang kanilang orihinal na aspirasyon para makalikha ng bagong kabanata ng pagkakaibigang Sino-Pilipino sa bagong panahon.


Sa kinabukasan, may pananalig na magtutuloy-tuloy at lalakas ang mainam na tunguhin ng pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino, at makakapaghatid ito ng mas maraming benepisyo sa kanilang mga mamamayan.


May-akda: Lito

Salin: Lito

Pulido: Mac / Jade

Photo Courtesy: Embahadang Tsino sa Pilipinas