Karera ng bisikleta, idinaos sa PPSHV Expressway

2022-09-05 16:51:59  CMG
Share with:

Sa ilalim ng temang “Pasasalamat sa Kapayapaan,” idinaos Setyembre 3, 2022, sa Phnom Penh-Sihanoukville Expressway (PPSHV Expressway) ng Kambodya, ang malaking karera ng bisikleta, na nilahukan ng ilang daang apisyonado.


Ito ang kauna-unahang pagkakataon na idinaos sa Kambodya ang nasabing karera. 


Ang PPSHV Expressway ay proyektong pangkooperasyon ng Tsina at Kambodya sa framework ng “Belt and Road Initiative (BRI).”  


Ayon sa plano, opisyal itong isasa-operasyon sa unang araw ng Oktubre, 2022. 


Salin:Sarah

Pulido:Rhio