Hari ng Kambodya, dumating sa Tsina para magpagamot

2022-08-22 16:29:13  CMG
Share with:

Dumating kahapon Agosto 21, 2022, sa Beijing, sakay ng espesyal na eroplano, sina Haring Norodom Sihamoni ng Kambodya, at Norodom Monineath Sihanouk, Cambodian Queen Mother para magpagamot.

 

Habang nasa ibang bansa, si Samdech Say Chhum, Pangulo ng Senado ang magsisilbing lider ng kaharian ng Kambodya.

 

Dalawang beses bawat taon, ang Hari ay nagpapasuri at ginagamot ng mga doktor na Tsino. Ang pinakahuling checkup niya ay ginawa noong Marso 2022.

 

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac