Agosto 3, 2022, Phnom Penh, Kambodya – Sa pakikipagtagpo ni Haring Norodom Sihamoni ng Kambodya kay Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sinabi niyang umabot na sa pinakamamabuting lebel sa kasaysayan ang relasyon ng Kambodya at Tsina.
Sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Haring Norodom Sihamoni ng Kambodya
Aniya, sa pamumuno ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina at lider ng Kambodya, aktibong itinatatag ng dalawang panig ang komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng Kambodya at Tsina, at pinapalalim ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa pamamagitan ng “Belt and Road Initiative (BRI),” na nagdudulot ng aktuwal na kapakanan para sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Sinabi pa niyang sang-ayon ang Kambodya sa Global Development Initiative at Global Security Initiative na inilahad ni Pangulong Xi Jinping.
Patuloy na nananangan ang Kambodya sa patakarang Isang Tsina, saad niya.
Ipinahayag naman ni Wang na nakahandang magsikap ang Tsina, kasama ng Kambodya para ipagpatuloy ang tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang panig, at pabutihin ang pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran na may estratehikong katuturan.
Ito aniya ay para magdulot ng mas malaking kasiglahan sa pagkakaibigan ng Tsina at Kambodya sa bagong panahon.
Pinapurihan din ni Wang ang Kambodya sa matatag nitong pananangan sa patakarang Isang Tsina.
Binigyan-diin niyang ang anumang pananalita at aksyon na labag sa patakarang ito ay hamon sa komong palagay ng komunidad ng daigdig, at pagsira sa kapayapaan ng rehiyong Asya-Pasipiko at Taiwan Straits.
Ang mga aksyong labag sa nasabing prinsipyo ay tiyak aniyang tatanggap ng komdemnasyon mula sa komunidad ng daigdig.
Nang araw ring iyon, nakipagtagpo kinatagpo rin si Wang ni Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio