Kasabay ng pagdating ng kaaya-aya at preskong panahon, idinaos mula Agosto 31 hanggang Setyembre 5, 2022 sa Beijing, kabisera ng Tsina and Ikatlong China International Fair for Trade In Services (CIFTIS) kung saan itinampok ng maraming internasyonal na kompanya at ibat-ibang bansa ang kanilang mga alok na kapaki-pakinabang at modernong serbisyo’t produkto.
Dahil ang CIFTIS ay isa sa mga perya o fair sa Tsina, na may mataas na estado, taun-taon ay sumasali ang Pilipinas dito.
Sa pabilyong magkakasamang itinaguyod ng Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing, Philippine Department of Tourism – Beijing Office (PDoT), Philippine Trade and Investment Center – Beijing Office (PTIC), at Philippine Department of Agriculture – Beijing Office (PDA), itinanghal at ipinagmalaki sa nasabing perya ang magagandang destinasyong panturista ng Pilipinas at mga imprastrukturang sumusuporta sa turismo; hinikayat ang mga potensyal na investor na makipagkooperasyon sa mga kompanyang Pilipino lalo na sa larangan ng games, animation at software development; at siyempre isinulong ang pagluluwas ng mga produktong agrikultural ng Pilipinas sa Tsina.
Para mas maunawaan ang kahalagahan ng CIFTIS sa Pilipinas, kinapanayam ng Serbisyo Filipino si Dr. Erwin Balane, Tourism Counsellor ng Pilipinas sa Beijing.
Dr. Erwin Balane at Rhio Zablan, mamamahayag ng Serbisyo Filipino.
Sinabi pa ni Balane, na dahil sa mahalagang katayuan ng CIFTIS, isinama na niya sa mga regular na aktibidad ng PDoT Beijing and pagsali rito taun-taon.
Aniya pa, ngayong taon ay maganda at estratehiko ang posisyon ng pabilyon ng Pilipinas dahil bukas ito sa apat na banda at madali itong mapuntahan ng mga bumibisita sa perya.
Pagdating naman sa mga nakalinyang programa para sa taong 2022, sinabi ni Balane na dahil sa panganib na dala ng patuloy pa ring pananalasa ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), kung minsan ay naaantala at nasususpinde ang mga ito.
Pero, magkagayunman, pinagdinan niyang hindi titigil ang PDoT Beijing sa pagpapakilala ng mga destinasyong panturista at magaganda at dekalidad na serbisyong alok ng Pilipinas sa mga Tsino.
Para naman sa roadmap ng turismo sa susunod na 6 na taon, sinabi ni Balane, na isa ito sa mga priyoridad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Kaya naman aniya, patuloy na pinabubuti ang ease of access sa mga destinasyong panturista at maximization of multidimensional na produkto.
Optimistiko rin siya sa pagbalik sa Pilipinas ng mga biyaherong Tsino, sa sandaling makontrol ang COVID-19.
Noong 2019, ang Tsina ang ikalawang pinakamalaking pinagmumulan ng turista ng Pilipinas.
Ito ay katumbas ng mga 1.74 milyon o 21.10% ng kabuuang bilang ng mga turistang dumalaw sa bansa.
Philippine Pavilion sa CIFTIS
Maliban sa PDoT Beijing, kinapanayam din natin si Emmanuel Ang, Commercial Counsellor ng PTIC Beijing upang malaman ang pakinabang ng CIFTIS sa Pilipinas sa larangan ng negosyo.
Emmanuel Ang, habang nagtatalumpati sa CIFTIS
Pagdating naman sa trade at investment promotion, sinabi niyang lumalahok din ang Pilipinas sa iba pang mga perya sa Tsina na tulad ng China ASEAN Expo (CAExpo), China International Import Expo (CIIE), China International Fair for Investment and Trade (CIFIT), at iba pa.
Dr. Erwin Balane at Emmanuel Ang sa CIFTIS.
Panayam/Artikulo: Rhio Zablan
Larawan: PDoT/PTIC
Patnugot sa website: Jade
Patunogt sa audio: Lito