Maynila — Sa kanyang pakikipagtagpo kamakailan kay Liu Jianchao, Ministro ng Departamentong Pandaigdig ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), lubos na pinapurihan ni Enrique Manalo, Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, ang relasyong Pilipino-Sino.
Ani Manalo, mabunga ang pragmatikong kooperasyong Pilipino-Sino, at umaasa aniya siyang patuloy na isusulong ang kooperason ng kapwa panig sa mga larangang gaya ng agrikultura, konstruksyon ng imprastruktura, enerhiya, kultura, at pagbabago ng klima.
Sinabi niya na tulad ng dati, mananangan ang Pilipinas sa prinsipyong isang Tsina.
Kaugnay ng isyu ng South China Sea, nakahanda ani Manalo, ang Pilipinas na maayos na hawakan ang isyung ito sa diplomatikong paraan para magkasamang mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa karagatang ito.
Ipinahayag naman ni Liu na sa pag-uusap sa telepono kamakailan nina Pangulong Xi Jinping at Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay nagkaroon ng mahalahang komong palagay tungkol sa pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino sa bagong panahon.
Nakahanda aniya ang panig Tsino na isakatuparan kasama ng panig Pilipino ang napagkasunduan ng mga lider ng dalawang bansa para magkasamang makalikha ng “ginintuang panahon” ng relasyong Sino-Pilipino at mapalalim ang kanilang pragmatikong kooperasyon sa iba’t-ibang larangan.
Ipinahayag din niya na masalimuot ang kasalukuyang situwasyong panrehiyon at pandaigdig, at may komong kapakanan ang Tsina at Pilipinas sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagang panrehiyon.
Sa balangkas ng Global Development Initiative (GDI), nakahanda ang panig Tsino na talakayin kasama ng panig Pilipino ang tungkol sa kaunlaran at kaligtasang pandaigdig upang magkasamang makapagbigay ng katalinuhan at kalakasan sa pangangalaga sa kapayapaan at kaunlarang pandaigdig, diin pa ni Liu.
Salin: Lito