Ayon sa Facebook account ni Embahador Huang Xilian ng Tsina sa Pilipinas, ibinigay kamakailan ng Chinese Enterprises (Philippine) Association (CEPA) ang Php 3 milyong salapi para suportahan ang pagbibigay-tulong sa kapahamakan, pagbabawas ng karalitaan, at programang pangkabuhayan sa Ilocos Norte.
Ito ang ika-2 bahagi ng donasyon ng mga miyembro ng CEPA na nagkakahalaga ng Php 6.18 milyong piso para sa mga apektadong rehiyong niyanig ng magnitude 7 na lindol noong Hulyo 27.
Ayon kay Embahador Huang, laging nagsisikap ang mga miyembro ng CEPA, para makapagbigay-ambag sa kabuhayan ng Pilipinas, at aktibong isinasagawa ang proyektong nakatutulong sa lipunan.
Umaasa aniya siyang mapapanaigan ng mga apektong mamamayan ng lindol ang mga kahirapan, at mapapanumbalik ang kanilang normal na pamumuhay sa lalong madaling panahon.
Salin: Vera
Pulido: Mac
Photo Source: Facebook account ni Embahador Huang